MANILA, Philippines —Tuluyan nang namaalam sa kontensiyon si Roberto Gomez sa prestihiyosong World Pool Championship na ginaganap sa Marshall Arena, Milton Keynes.
Lumasap si Gomez ng 7-11 kabiguan kay Skyler Woodward ng Amerika sa Round-of-16.
Bigo naman maipagpatuloy ni Woodward ang matikas na ratsada nito matapos matalo kay Albin Ouschan ng Austria sa quarterfinals sa iskor na 5-11.
Gayunpaman, hindi uuwing luhaan si Gomez dahil nakasiguro ito ng $4,000 premyo sa pagpasok sa Round-of-16 stage.
Nauna namg yumuko si Jeffrey De Luna nang magtamo ito ng dalawang sunod na kabiguan sa eliminasyon.