Kai ready lang para sa Gilas Pilipinas

Kai Sotto
FIBA.COM

MANILA, Philippines — Nakahanda si Kai Sotto anuman ang maging role nito sa Gilas Pilipinas na sasabak sa dalawang malalaking FIBA tournaments ngayong buwan.

Solong dumating kahapon si Sotto mula sa Amerika kung saan hindi nito kasama ang kanyang pamilya dahil sa availability sa flight.

“Walang flight for five (persons) kaya ako lang mag-isa. Dapat kasama ko buong family ko,” ani Sotto.

Diretso si Sotto sa qua­ran­tine hotel ang 7-foot-3 cager kung saan sasailalim ito sa 14-day quarantine period.

Dahil sa quarantine, hindi na makakasama pa ni Sotto ang Gilas Pilipinas sa training camp sa Inspire Sports Academy.

Matatapos ang quarantine ni Sotto dalawang araw bago magsimula ang FIBA Asia Cup Qualifiers.

Gayunpaman, handa si Sotto anuman ang ma­ging desisyon ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) coaching staff.

“Ako naman stay ready lang ako maglaro kahit kailan pa yan hanggang nandito ako sa Pilipinas,” ani Sotto.

Sabik na si Sotto na makapaglaro sa national team kasama ang Gilas Pilipinas.

“Excited na ako na maglaro. First time ko na makapaglaro sa national team ng Pilipinas. Sobrang excited na ako hindi na ako makapaghintay na makasama yung team,” ani Sotto.

Show comments