Bucks inilusot ni Middleton sa ot
Nets, Blazers at Mavs nakauna rin sa serye
MILWAUKEE - Isinalpak ni Khris Middleton ang isang jumper sa natitirang 0.5 segundo sa overtime para tulungan ang Bucks na maitakas ang 109-107 panalo sa Miami Heat sa Game One ng kanilang Eastern Conference first-round playoffs series.
Kumolekta si Middleton na may 27 points at naglista si Giannis Antetokounmpo ng 26 markers, 18 rebounds at assists para sa 1-0 abante ng Milwaukee sa kanilang serye ng Miami.
Kumawala si Middleton kay Heat guard Duncan Robinson para isalpak ang kanyang game-winning 19-footer para ipanalo ang Bucks.
Umiskor si Miami guard Goran Dragic ng 25 points kasama ang kanyang three-pointer na nagtabla sa laro sa huling 20.6
Sa New York, bumida sina ‘Big Three’ Kevin Durant, Kyrie Irving at James Harden para pamunuan ang Brooklyn Nets sa 104-93 paggupo sa Boston Celtics at kunin ang 1-0 bentahe sa kanilang serye.
Tumapos si Durant na may 32 points at may 29 at 21 markers sina Irving at Harden, ayon sa pagkakasunod, para sa panalo ng Nets.
Nilimitahan ng Brooklyn si Boston star Jayson Tatum sa 22 points matapos umiskor ng 50 markers sa pagdaig ng Celtics sa Washington Wizards para sa No. 7 seat sa East playoffs.
Sa Denver, humataw si Damian Lillard ng 34 points sa 123-109 pagbugbog ng Portland Trail Blazers sa Nuggets para sa 1-0 lead sa kanilang serye sa Western Conference
Kumonekta ang Portland ng 19-of-40 shooting sa three-point line at nakahugot ng 21 at 18 mar-kers kina CJ McCollum at Carmelo Anthony, ayon sa pagkakasunod.
Sa Los Angeles, tumipa si Luka Doncic ng 31 points para igiya ang Dallas Ma-vericks sa 113-102 panalo sa Clippers at ilista ang 1-0 kalamangan sa kanilang serye.
- Latest