Mayweather nagpaparamdam kay Roach

MANILA, Philippines — Tila nagpaparamdam si undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr. ng posibleng rematch kay eight-division world champion Manny Pacquiao.

Mismong si American trainer Freddie Roach ang nagkuwento na makailang beses itong dinalaw ni Mayweather sa Wild Card Gym sa Hollywood, California.

“Mayweather has been to my gym a couple of times. I saw him at a restaurant in LA one time. He took pictures with my friends, and he was very polite and amiable,” ani Roach sa On The Ropes.

Alam ni Roach na may ibig sabihin ang pagbisita nito sa kanyang gym.

Wala naman itong ba­lak na magsanay si Mayweather sa kanya dahil may sarili itong team.

Kaya naman tila nagpa­pa­hiwatig umano si Mayweather sa posibleng mega fight kontra sa Pinoy champion.

Wala naman itong problema para kay Roach dahil gigil si Pacquiao na muling makaharap si Mayweather sa isang rematch.

Nauna nang inihayag ni Roach na hindi ito masaya sa naging performance ni Pacquiao sa unang pagharap nito kay Mayweather dahil sa shoulder injury.

Show comments