^

PSN Palaro

De Jesus, Alinsunurin napipisil na humawak sa national teams

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
De Jesus, Alinsunurin napipisil na humawak sa national teams
Ramil de Jesus
STAR/ File

MANILA, Philippines — Bukod sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Nob­yembre ay sasabak rin ang Pilipinas sa Asian Senior Women’s and Men’s Volleyball Championships sa Agosto.

Kaya naman ngayon pa lamang ay pumipili na si national team commission chief Tonyboy Liao ng Phi­lippine National Volleyball Federation, Inc. (PNVFI) ng tatayong head coach ng women’s team.

Ang dalawa sa napipisil ng nasabing komisyon para kuning mentor ng national women’s at men’s squads ay sina multi-titled coach Ramil de Jesus at Dante Alinsunurin, ayon sa pagkakasunod.

Posibleng si De Jesus, inihatid ang La Salle Lady Spikers sa 11 kampeonato sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) tampok ang ‘three-peat’, ang sumalo sa posisyon  ni Shaq delos Santos.

Nauna nang tinulungan ni De Jesus ang national women’s squad sa pagsikwat sa bronze medal ng Manila SEA Games noong 2005.

Si Alinsunurin naman ang gumiya sa national men’s team sa makasaysayang silver medal finish sa SEA Games na pinamahalaan ng bansa noong Disyembre ng 2019.

Ang women’s national squad ni Delos Santos ay nakuntento sa fourth place finish sa nasabing edisyon ng biennial event.

Ang komisyon ni Liao ang inatasan ni PNVFI president Tats Suzara na mangasiwa sa pagbuo ng mga men’s at women’s national teams kasama ang under-23, under-19 at under-17 squads.

HANOI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with