^

PSN Palaro

PBA nanindigan sa patakaran

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Sa Rookie applicants

MANILA, Philippines — Iginiit ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) na kailangan nitong ipatupad ang patakaran sa lahat ng aplikante sa PBA Annual Rookie Draft.

Partikular na tinukoy ng liga ang requirements sa mga Filipino-foreign players upang maging eligible ang mga ito sa rookie draft na idaraos sa Marso.

Kabilang sa mga requirements ang Department of Justice (DOJ) affirmation at Bureau of Immigration (BI) certification na magpapatunay na may dugong Pilipino ang mga ito.

Ilan sa mga tinamaan nito sina Jason Brickman, Brandon Rosser at Jeremiah Grey na nanganganib na matanggal sa listahan ng mga aplikante sa oras na mabigong maisumite ang naturang dokumento.

“Kailangan pa rin silang mag-submit ng mga needed documents,” ani PBA commissioner Willie Marcial.

Dahil sa pandemya, naging maluwag ang PBA sa ilang requirements nito kabilang na ang paglalaro sa PBA D-League at ilang amateur leagues para maging kwalipikado sa rookie draft.

Subalit hindi kasama rito ang mga documentary requirements na magpapatunay sa legalidad ng kanilang pagiging Pilipino.

Sa Enero 27 ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon sa lahat ng mga nagnanais lumahok sa rookie draft.

Sa kasalukuyan, may 33 aplikante na ang nasa listahan ng PBA.

PBA

ROOKIE DRAFT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with