Kaakibat sa COVID-19 fight
MANILA, Philippines — Gaya ni reigning World Boxing Association welterweight champion Manny Pacquiao, tahimik din na tumutulong si undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr. sa coronavirus (COVID19) fight.
Ito ang unang pagkakataon na naglabas ng statement si Mayweather matapos dumaan sa matinding pagsubok sa mga nakalipas na buwan.
Natagpuang patay ang dating asawa nito na si Josie Harris - ina ng kanyang tatlong anak - noong Marso habang nasundan ito ng pagkamatay naman ng uncle na si Roger na nagsilbi ring chief trainer nito.
“I’ve been dealing with a lot. Dealing with the loss of the mother of my children. She was my significant other. She was a great woman, a great person. Dealing with the passing of a great trainer, a great uncle, a great father figure, Roger,” ani Mayweather sa kaniyang Instagram post.
Sa kabila ng mga pinagdaanan nito, patuloy si Mayweather sa pagtulong sa mga kababayan nito partikular na sa mga mahihirap na nangangailangan ng pagkain.
“With everything going on, I’m continue to do my part. I don’t have to show the world what I’m doing. I can do something behind closed doors. It’s not about money,” ani Mayweather.
Hindi man idinetalye ni Mayweather ang charitable works na ginagawa nito, dama ng mga boxing fans ang sinseridad sa bawat salitang kanyang binibitawan.