Iloilo, Bacolod wagi sa MPBL

MANILA, Philippines — Umiskor si Jerson Prado ng sampung puntos sa huling yugto upang iangat ang Iloilo United Royals sa 71-65 panalo kontra sa Rizal Golden Coolers sa pag­papatuloy ng Chooks to Go-Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup sa Imus Sports Complex.

Tumipak din si Al Francis Tamsi ng 16 points at si Prado ay tumapos na may 12 markers, 7 rebounds at 2 blocks para ma­­sungkit ng Iloilo ang ika-15 panalo at makisosyo sa Basilan Steel sa ika-limang puwesto sa Southern Division.

Ang Golden Coolers na lumamang pa sana ng 63-62 matapos ang kanilang 8-0 run ay bumaba sa 4-17 kartada sa Northern Division.

Sa iba pang laro, hindi na pinaiskor ng field goal ng Bacolod Sardines ang Bicol Volcanoes sa overtime period tungo sa 76-72 panalo.

Na­ko­­po ng Bacolod ang pang-wa­long panalo sa 23 laro at bumagsak na­man ang Bicol sa 13-12 sa Southern Division.

Tinalo naman ng Imus Bandera ang Navotas Clutch, 86-71, para sa ika­anim na panalo sa 26 laro.

Show comments