F2 Logistics, Petron kakapit pa sa itaas

Nangunguna ang F2 Logistics na may malinis na 10-0 baraha kabuntot sa ikalawa ang Petron na nagtataglay ng 9-1 marka.
facebook

MANILA, Philippines — Pagtitibayin ng F2 Lo­gistics at Petron ang kanilang kapit sa tuktok ng standings sa pagsagupa sa magkaibang karibal ngayong araw sa 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Makakatipan ng Blaze Spikers ang Sta. Lucia sa alas-4:15 ng hapon habang aariba naman ang Cargo Movers kontra sa Marinerang Pilipina sa alas-7 ng gabi.

Nangunguna ang F2 Logistics na may malinis na 10-0 baraha kabuntot sa ikalawa ang Petron na nagtataglay ng 9-1 marka.

Dumaan sa pagsubok ang Cargo Movers bago kunin ang pahirapang 25-19, 25-27, 25-22, 18-25, 15-13 panalo laban sa Generika-Ayala noong Sabado.

Nanguna si Filipino-American Kalei Mau sa attack line habang minanduhan naman nina Majoy Baron at Dawn Macandili ang depensa para pigilan ang Lifesavers.

“Our game against Generika-Ayala should serve as a big lesson for the team. You just can’t go to the venue and play the game. You also have to be prepared and respect your opponent,” ani F2 Logistics coach Ramil de Jesus.

Haharapin ng F2 ang Marinera na wala pang panalo sa 10 laro.

Kawalan pa para sa Lady Skippers si wing spi­ker Chiara Permentilla na nagtamo ng injury.  

Show comments