^

PSN Palaro

TNT Katropa asam ang solong liderato

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
TNT Katropa asam ang solong liderato
“Tremendous game again for Terrence. Hopeful­ly every game maka-40 up siya and it will be easier for us,” wika ni Ravena.
PBA Official Facebook Page

Laro Ngayon(Cuneta Astrodome)

4:30 p.m. TNT Katropa vs Columbian

7 p.m. San Miguel vs Alaska

MANILA, Philippines — Kung hahataw ng 40 points si super import Terrence Jones ay tiyak na ang panalo ng TNT Katro­pa, ayon kay coach Bong Ravena.

“Tremendous game again for Terrence. Hopeful­ly every game maka-40 up siya and it will be easier for us,” wika ni Ravena.

Sa 104-91 paggupo ng Tropang Texters laban sa Meralco Bolts ay kumamada si Jones ng 49 points at 18 rebounds.

Target ang pang-limang sunod na panalo, hahara­pin ng TNT Katropa ang Co­lumbian ngayong alas-4:30 ng hapon sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Cuneta Astrodome sa Pa­say City.

Magka­sosyo sa liderato ang NorthPort at TNT Ka­tro­pa sa magkatulad nilang 6-1 record kasunod ang Blackwater (4-2), Alaska (4-3) at nagdedepensang Ba­rangay Ginebra (3-3).

Nakalasap naman ang Co­lumbian (1-4) ng 103-110 kabiguan sa Magnolia (2-2) na nagtampok sa 26 mar­kers at 14 board ng bagong import na si Lester Pros­per.

Si Prosper ang pumalit kay Kyle Barone.

Sa ikalawang laro sa alas-7 ng gabi ay magpipilit namang makabangon ang Alaska at San Miguel (1-3) mula sa ka­biguan.

Nakalasap ang Beermen ng 107-110 overtime loss sa Gin Kings, habang nalusutan naman ang Aces ng Phoenix Fuel Masters, 76-78.

Samantala, kinuha ng Blackwater si Jameel Mc­Kay bilang kapalit ni Alex Stepheson.

BONG RAVENA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with