Dyip pinalakas ang tsansa sa q’finals

Itinakas ng Dyip ang dramatikong 86-85 panalo laban sa Meralco Bolts tampok ang game-high na 30 points at 8 rebounds ni Fil-Am guard Rashawn McCarthy sa 2019 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagpigil sa kanilang three-game losing skid ay binuhay ng Columbian ang kanilang pag-asa sa eight-team quarterfinal round.

Itinakas ng Dyip ang dramatikong 86-85 panalo laban sa Meralco Bolts tampok ang game-high na 30 points at 8 rebounds ni Fil-Am guard Rashawn McCarthy sa 2019 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

“We were able to stop our three-game losing skid,” sabi ni McCarthy, bumitaw ng 6-of-12 shooting sa three-point range para sa Columbian.

Matapos kunin ng Bolts ang 13-point lead, 24-11 sa first period ay humataw ang Dyip sa second quarter bago inangkin ang 86-80 abante sa huling 2:29 minuto ng final canto.

Ang dalawang free throws at 3-pointer ni Chris Newsome ang nagdikit sa Meralco sa 85-86 sa nala­labing 36.9 segundo ng laro.

Samantala, kinumpleto nina Terrence Romeo, Ro­ger Pogoy, Jayson Castro at Stanley Pringle ang line-up ng North at South teams para sa 2019 PBA All-Star Game.

Pinili sina Romeo at Pogoy para sa South All-Stars kasama nina Chris Ross, Baser Amer, PJ Simon, Jio Jalalon, John Paul Erram at Joe Devance.

Sina Castro at Pringle ay mapapabilang sa North All-Stars nina Alex Cabagnot, Gabe Norwood, Arwind Santos, Troy Rosario, Marc Pingris at Chris Banchero.

Nakatakda ang 2019 PBA All-Star Game sa Marso 29 sa Calasiao, Pangasinan.

 

Show comments