^

PSN Palaro

Generika pinataob ang Cocolife

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iginupo ng Generika-Ayala ang Cocolife, 26-24, 20-25, 25-17, 25-19 para mainit na tapusin ang first round ng eliminasyon kahapon sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa The Arena sa San Juan City.

Bida si outside hitter Patty Jane Orendain na pumalo ng 22 hits samantalang nagbigay ng matikas na suporta si Fiola Ceballos na kumana ng 20 attacks, 13 digs at 13 receptions para tapusin ng Lifesavers ang first round tangan ang 4-3 baraha.

“Kailangan pa namin i-improve yung depensa at communication. Nawawala kasi kami sa umpisa medyo nahihirapan kami makapag-adjust kaya mas kailangan namin na mag-usap-usap sa loob ng court kung ano ang gagawin namin,” ani Ceballos.

Naramdaman din si team captain Angeli Araneta na nagrehistro ng 14 attacks, dalawang blocks at dalawang aces habang umiskor si middle hitter Ria Meneses ng 14 hits para sa Generika-Ayala.

Sa ikalawang laro, pina­sadsad ng F2 Logistics ang Smart Giga Hitters, 25-11, 25-22, 25-17 para wakasan ang first round tag­lay ang 5-2 marka.

FIOLA CEBALLOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with