Tamaraws susuwag ng playoff para sa Final 4

Kailangan ng Tamaraws na makaulit sa Soa­ring Fal­cons sa kanilang bakbakan ngayong alas-4 ng hapon pa­ra ipursige ang three-way tie mula sa third spot hanggang sa fifth spot kasama ang UP Fighting Maroons at De La Salle Green Archers sa parehong 8-6 kartada ma­tapos ang elimination round.
Jun Mendoza/File

Laro Ngayon(MOA Arena, Pasay City)

2 p.m. – NU vs. UE

4 p.m. – FEU vs. Adamson

MANILA, Philippines — Hangad ng Far Easten University na ma­kakuha ng playoff para sa huling Fi­nal Four berth sa kanilang pagharap kontra sa Adamson University sa huling araw ng elimination round ng Season 81 UAAP men’s basket­ball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kailangan ng Tamaraws na makaulit sa Soa­ring Fal­cons sa kanilang bakbakan ngayong alas-4 ng hapon pa­ra ipursige ang three-way tie mula sa third spot hanggang sa fifth spot kasama ang UP Fighting Maroons at De La Salle Green Archers sa parehong 8-6 kartada ma­tapos ang elimination round.

Haharapin naman ng NU Bulldogs (3-10) ang UE Red Warriors (1-12) sa alas-2 ng hapon para kum­pletuhin ang kanilang elimination round assignments.

Kung mangyayari ang three-way tie ay mananatili pa rin ang Fighting Maroons sa ikatlong puwesto dahil sa superior quotient, habang ang Tamaraws at Green Ar­­chers ay maghaharap sa playoff sa Miyerkules para pag-agawan ang fourth slot sa semis.

Ang magwawagi ay la­laban sa top seed na Ate­neo Blue Eagles (12-2) sa se­mifinal round.

Magtatagpo naman ang No. 2 seed na Falcons (10-3) at No. 3 Fighting Ma­­roons (8-6).

Kapwa tangan ng Ate­neo at Adamson ang ‘twice-to-beat’ advantage sa Final Four bilang top two teams matapos ang double round elimination.

Show comments