Azkals may misyon sa Timor Leste

Nagbabala si Azkals head coach Sven Goran Eriksson sa kanyang tropa sa pagsagupa sa wala pang panalong Timor Leste, nakalasap ng 0-7 kabiguan sa bigating Thailand at 1-3 pagkatalo sa Indonesia.
AFP

KUALA LUMPUR, Malaysia --Target ng Philippine Azkals ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa Group B sa pakikipagharap sa magaang na Timor Leste sa Asean Football Federation Suzuki Cup sa Kuala Lumpur Stadium dito.

Nakatakda ang laro sa alas-8 ng gabi.

Nagmula ang mga Pinoy booters sa 1-0 pana­naig laban sa Singapore  Lions sa Bacolod City noong Martes kung saan isinalpak ni Patrick Reichelt ang nag-iisang goal sa pang-78 minuto ng second half.

Nagbabala si Azkals head coach Sven Goran Eriksson sa kanyang tropa sa pagsagupa sa wala pang panalong Timor Leste, nakalasap ng 0-7 kabiguan sa bigating Thailand at 1-3 pagkatalo sa Indonesia.

“I hope we play a good game, play good football, defend well and win the game,” sabi ni Eriksson sa panayam ng ESPN5. “You can't take them for granted.  If you don't perform, if you don't fight, if you have the wrong mentality going out there, you will not win.” (OL)

Show comments