MANILA, Philippines — Tinambakan ng National University Lady Bulldogs ang Adamson Lady Falcons, 86-58 para itala ang kanilang ika-73rd sunod na panalo kahapon sa Season 81 UAAP women’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.
Sa panalo ng five-peat seeking Lady Bulldogs pinantayan nila ang winning streak ng Lady Falcons softball team mula January 2010 hanggang March 2016.
“My mindset is to win this game. Let's forget the streak. Let's forget 73-0. Let's forget 9-0. It's just a game that we have to play," ani NU coach Pat Aquino.
Asam ng Lady Bulldogs na naitala ang panibagong record na 74 games sa pagharap sa University of Santo Tomas Tigresses sa alas-3 ng hapon sa Sabado sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.
Ang NU ay hindi pa nakakatikim ng talo mula nang mabigo sa De La Salle sa championship Game 3 noong Oktubre. 5, 2013.
“The pressure is already mounting. I told my players to let's just go out and play our game,” dagdag pa ni Aquino.
Umani ng 23 puntos, 14 rebounds at dalawang assists ang Congolese na si Rhena Itesi habang ang reigning MVP na si Jack Danielle Animam, Ria Nabalan at Jeanne Camelo ay umiskor ng tig-12 puntos para sa Lady Bulldogs.