^

PSN Palaro

Tio paghahandaan ang 2024 Olympics

Pilipino Star Ngayon
Tio paghahandaan ang 2024 Olympics
Sa Nobyembre 6 ay nakatakdang tanggapin ni Tio ang cash incentive na P2.5 milyon sa kanyang courtesy call kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa Malacañang kasama ang mga 2018 Asian Para­games medalists.

MANILA, Philippines — Kagaya ng dapat asahan, tatanggap si Fil-Norwegian kiteboarder Christian Tio ng cash incentive matapos mag-uwi ng silver medal mula sa nakaraang 2018 Youth Olympic Games na idinaos sa Buenos Aires, Argentina.

Sa Nobyembre 6 ay  nakatakdang tanggapin ni Tio ang cash incentive na P2.5 milyon sa kanyang courtesy call kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa Malacañang kasama ang mga 2018 Asian Para­games medalists.

Sinabi ng 17-anyos na tubong Boracay na gagamitin niya ang nasabing insentibo para sa kanyang paghahanda sa paglahok sa 2024 Olympic Games sa Paris.

“Kiteboarding will be an Olympic sport in 2024 in Paris, that’s part of the plan,” ani Tio sa isang press conference sa Rizal Memorial Sports Complex kasama sina Philippine Sports Commissioners Arnold Agustin at Celia Kiram, YOG Chef de Mission at Philippine Canoe Kayak Dragonboat Federation President Jonne Go at ang ina ng kiteboar­der na si Liezl Mohn.

Walang kiteboarding event na nakalinya sa 2020 Olympics sa Tokyo, Japan.

Sa edad na 7-anyos ay ipinakilala na ni Liezl ang kanyang anak sa kiteboarding sa Boracay.

Inangkin ni Tio ang silver medal sa men’s kiteboar­ding twin tip racing habang sina Toni Vodisek ng Slovenia at Deury Corniel ng Dominican Republic ang kumuha sa gold. (RC)

vuukle comment

2018 YOUTH OLYMPIC GAMES

BORACAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with