Para Games medalists tatanggap ng incentives
MANILA, Philippines — Pangungunahan ni multi-medalists Ernie Gawilan ang 17 atleta na nag-uwi ng medalya mula sa 2018 Asian Para Games ang tatanggap ng cash incentives na gaganapin sa Malacañang sa susunod na buwan.
Ayon kay Philippine Sports Commission chairman William Ramirez na ang cash rewards ay alinsunod sa Republic Act 10699 na tinatawag na National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act 2001.
“Our medalists will be the first recipients of the R.A. 10699, in the Asian Para Games level. We express our sincerest gratitude to the government and the PSC for its intensive support for our para-athletes,” ani Philippine Paralympic Committee president Michael Barredo.
Sa naturang batas na inisponsoran ni Sen. Sonny Angara ang revision noong 2016, ang gold medalists ay tatanggap ng P1 million at P500,000 naman sa silver medalists habang ang bronze medalists ay bibigyan ng P200,000.
Nag-uwi ng kabuuang 10 golds, 8 silvers at 11 bronzes ang Team Philippines sa pangunguna ng na si swimmer Gawilan upang higitan ang limang silvers at limang bronzes na napanalunan noong 2014 edisyon sa Incheon, South Korea.
Si Gawilan na umani ng tatlong ginto ay tatanggap din ng special incentives bunga ng kanyang naitalang bagong Asian Para Games record sa swimming base rin sa nakasaad sa RA 10699.
- Latest