^

PSN Palaro

Nayre nanganganib masibak sa YOG

Pilipino Star Ngayon
Nayre nanganganib masibak sa YOG
Unang tinalo ng 18-an­yos na si Nayre ang 16-anyos na si Nicolas Bur­gos ng Chile sa five sets, 11-9, 6-11, 11-9, 11-6, 11-8, sa group stages ng men’s singles preliminaries.
File

BUENOS AIRES -- Puwersado si table tennis bet Jann Mari Nayre na ta­lunin ang No. 1 player sa under-18 world circuit para buhayin ang kanyang tsansa sa 2018 Youth Olympic Games sa Technopolis dito.

Ito ay matapos magtala ng 1-1 panalo-talo rekord ang 18-anyos na si Nayre.

Unang tinalo ng 18-an­yos na si Nayre ang 16-anyos na si Nicolas Bur­gos ng Chile sa five sets, 11-9, 6-11, 11-9, 11-6, 11-8, sa group stages ng men’s singles preliminaries.

Ngunit nabigo naman si Nayre, ang unang Filipi­no paddler na nakakuha ng tiket sa Youth Olympic Games, kay Maciej Ko­lod­ziejczyk ng Austria, 9-11, 8-11, 1-11, 6-11, sa Group B sa torneong nagtatampok sa pinakamahuhusay na under-18 table netters sa bu­ong mundo.

Kumampanya si Nay­re sa Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur no­ong nakaraang taon at sa 18th Asian Games sa Ja­karta, Indonesia.

Susunod na haharpin ni Nayre, estudyante ng San Beda University sa Taytay, Rizal, si 2016 Rio Olympian Kanak Jha ng United States, ang No. 1 paddler sa U18 world circuit.

Maliban kay Nayre, bubuksan din ngayon ni Filipino-Norwegian Christian Tio ang kanyang kampanya sa kiteboarding kasunod sina fencer Lawrence Everett Tan, golfers Yuka Saso at Carl Jano Corpus at Fi­li­pi­no-American swimmer Ni­­cole Oliva.

JANN MARI NAYRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with