MANILA, Philippines — Sa ika-apat na pagkakataon kinansela ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ang dalawang larong nakatakda sanang idaos kahapon sa Strike Gym sa Bacoor, Cavite.
Ang mga nasabing laro ay ang Bacoor Strikers laban sa Zamboanga Valientes at ng Cebu City Sharks at Quezon City Capitals.
Ayon kay MPBL commissioner Kenneth Duremdes na ang mga nasabing laro ay gaganapin na lang pagkatapos ng elimination round.
“Safety is our priority, so we just advised everybody to stay home and we’re resetting the double header to a later date,” sabi ni Duremdes.
Sinabi pa ni Duremdes na nakakabuti sa mga manlalaro at ng mga tagasubaybay na kanselahin ang naturang laro dahil sa bagyong Ompong na inaasahang nag-iwan ng malakas na ulan ngayon. Ang nasabing bagyo ay lumabas na sa Philippine Area of Responsibilty (PAR) kagabi.