Knights at Classics nakaiskor

Limang players sa pa­ngunguna ni Mac-Mac Car­dona ang nagtala ng double-figures kaya luma­mang ng mahigit 31 puntos ang Knights patungo sa ka­nilang ikalawang sunod panalo at makisosyo sa liderato sa North Division kasama ang Navotas Clutch at Makati Skyscra­pers sa 2-0 kartada.

 MANILA, Philippines — Tinambakan ng San Juan Knights ang Bulacan Kuyas, 94-76, habang na­ka­­eskapo ang Valenzuela Classics laban sa Basilan Steel, 96-94, sa 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Anta Datu Cup  noong Sabado sa Valenzuela City Astrodome.

Limang players sa pa­ngunguna ni Mac-Mac Car­dona ang nagtala ng double-figures kaya luma­mang ng mahigit 31 puntos ang Knights patungo sa ka­nilang ikalawang sunod panalo at makisosyo sa liderato sa North Division kasama ang Navotas Clutch at Makati Skyscra­pers sa 2-0 kartada.

Umiskor si CJ Isit ng 12 puntos, habang sina Rian Ayonayon, Cardona, John Wilson at Jhonard Cla­rito ay nag-ambag ng 11 at tig-10 marka, ayon sa pagkakasunod.

Naitala ng Knights ang league highest scoring record sa first half na 61 points at 15 steals sa kabu­uan ng laro.

Umiskor naman ng 21 puntos si Jason Melano pa­ra sa Bulacan Kuyas na bumagsak sa 1-1, habang si JR Taganas ay naglista ng 12 puntos at 11 rebounds.

Show comments