^

PSN Palaro

DYIP humirit ng tsansa sa playoffs

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakaiwas ang Columbian sa mapanganib na sitwasyon matapos wakasan ang kanilang tatlong sunod na kamalasan.

Humataw ang Dyip sa second half matapos ma­tam­bakan ng double digit sa second period para res­ba­kan ang Phoenix Fuel Masters, 115-107, sa 2018 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Umiskor si import John Fields ng 29 points kasunod ang 18 at tig-15 markers ni­na Glenn Khobuntin, Jerramy King at Rashwan Mc­­Carthy, ayon sa pagka­kasunod, para sa 4-5 record ng Columbian.

“Kailangan colective effort para makuha namin ‘yung panalo kasi last time sila lang eh,” ani Kho­buntin kina Fields at McCarthy.

Hangad ng tropa ni head coach Ricky Dandan ang ka­nilang ikalawang quarterfinals stint matapos no­ong 2016 PBA Governor’s Cup.

Pinamunuan naman ni­na import Eugene Phelps at Matthew Wright ang Phoenix, may 3-5 baraha, mula sa kanilang 34 at 32 points, ayon sa pagkakasu­nod.

Itinayo ng Fuel Masters ang 14-point lead, 39-25, mula sa three-point play ni JC Intal sa 7:28 minuto ng second quarter.

Bumawi naman ang Dyip sa pagpapakawala ng 19-8 bomba para makalapit sa halftime, 44-48.

Ganap na naagaw ng Columbian ang 70-69 abante galing sa 3-point play ni McCarthy sa huling 2:31 minuto ng third period.

Ang dalawang free throws ni McCarthy ang nag­­baon sa Phoenix sa 108-97 sa natitirang 1:18 mi­­­nuto ng final canto.

Nalasap ng Fuel Masters ni mentor Louie Alas ang kanilang ikalawang su­­nod na kabiguan.

Nagdagdag si rookie forward Jason Perkins ng 14 points para sa Phoenix.

Kasalukuyan pang nag­­lalaban ang Alaska at Mag­­­nolia kagabi habang isi­nusu­lat ito.

COLUMBIAN

PHOENIX FUEL MASTERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with