PSC, Bangladesh palalakasin ang programa sa sports
MANILA, Philippines — Muling nagkasundo ang Bangladesh Youth and Sports Ministry at ang Philippine Sports Commission para magtulungan sa larangan ng sports education at sports science program.
Ayon kay PSC acting deputy executive director Guillermo Iroy Jr., ito ang napag-kasunduan sa pagbisita ni Bangladesh Joint Secretary Md. Faizul Kabir dito sa bansa.
“They will teach us Kabaddi and we teach them Arnis,” sabi ni Iroy.
Nakatakda ring lagdaan ng PSC at ng Sports Ministry ng Bangladesh ang panibagong Memorandum of Understanding (MOU) ukol nito.
Matatandaang nagkaroon na rin ng MOU ang PSC at Bangladesh Sports Ministry noong Nobyembre 15, 2014 sa panahon pa ni dating chairman Ricardo Garcia, ngunit ito ay nakatakdang mapaso na sa susunod na taon.
“The understanding (MOU) has been stagnant for the past year and we would like to change that with a series sports education, sports science programs and friendly matches between us,” ayon kay Kabir.
Sa kanyang pagbisita sa Rizal Memorial Sports Complex, binigyan nina PSC Commissioners Ramon Fernandez, Celia Kiram at Charles Maxey ng magandang salubong ang delegasyon mula sa Bangladesh na pinamumunuan ni Faizul Kabir.
“The agency will help the Ministry of Bangladesh in forming a sports performance framework, for them to monitor the performance of their athletes,” ayon naman kay Comm. Maxey.
- Latest