^

PSN Palaro

San Sebastian, Lyceum unahang dumikit sa titulo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sisimulan ngayon ng Zark’s Burger-Lyceum at Che’Lu Bar-San Sebastian ang kanilang best-of-three championship series ng 2018 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Pasig City Sports Center.

Tiyak ang mainit na laban sa paghaharap ng dalawang collegiate teams dahil ang finals ay short series lamang kaya importante sa kanila ang unang laro na itinakda sa alas-4 ng hapon.

Nasungkit ng Zark’s Jawbreakers ang finals slot  matapos patalsikin ang Marinerong Pilipino, 2-0 habang pumasok din ang Che’Lu Bar Revellers sa finals sa parehong 2-0 win laban sa Akari-Adamson sa semifinal round.

“We’re happy to be here. We don’t have control on the other factors bukod sa amin lang. No disrespect for Che’Lu Bar, we we just want to enjoy the finals series,” sabi ni Zark’s coach Topex Robinson.

Sasandal si  coach Ro­binson kina MVP candidate CJ Perez, Jaycee Marcelino at Mike Nzeussu.

Sinabi ni Robinson na bilang No. 6 seed sa pagtatapos ng elimination round, sila ang underdog sa serye kontra sa fourth seed Che’Lu Bar Revellers na tumapos din sa elims sa parehong 7-4 win-loss kartada.

Sa una nilang pagtatagpo, nagwagi ang Che’Lu Bar Revellers, 97-88  noong Pebrero 27 kaya tangan ng tropa ni coach Stevenson Tiu ang psychological edge.

Ngunit, malaki ring kawalan para sa Che’Lu Bar ang paglipat ni Jeff Viernes sa Globalport sa PBA.

Si Viernes ay nag-ave­rage ng mahigit 18.3 puntos para sa Revellers. (FC)

2018 PBA D-LEAGUE ASPIRANTS’ CUP

ZARK’S BURGER-LYCEUM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with