Big men aagaw ng eksena

Sa PBA all-star obstacle challenge

MANILA, Philippines — Itatampok ang mga big men sa Obstacle Challenge  sa  2018 PBA All-Star Spectacle sa Mayo 23-27 sa Davao del Sur, Batangas City at Iloilo.

Pamumunuan ni one-time PBA MVP winner Asi Taulava ng NLEX ang mga big men na magtatagisan sa dribbling, p­assing at shooting sa isa sa mga tampok na individual events sa All-Stars extra­vaganza na suportado ng Phoenix Fuels at Phoenix Pulse Technology bilang major sponsor.

Kasama sa provisional list ng mga Obstacle Challenge participants sina Alaska slotman Sonny Thoss, flying forward Raymond Aguilar ng Barangay Ginebra, Blackwater star center JP Erram, Kelly Nabong ng Globalport, Columbian Dyip rookie big man Russell Escoto, Ken Bono ng Meralco, Phoenix Fuel veteran Doug Kramer, Aldrech Ramos ng Magnolia, Rain or Shine  Beau Belga, Yancy de Ocampo ng San Miguel at Yousef Taha ng TNT Katropa.

Samantala, babanderahan nina titleholder Allein Maliksi ng Blackwater at mga dating haring sina Terrence Romeo ng TNT Katropa at James Yap ng Rain or Shine ang mga top guns sa Three-Point Shootout.

Nasa provisional list sina JVee Casio ng Alaska, LA Tenorio ng Ginebra, Stanley Pringle ng Globalport, Ronald Tubid ng Columbian Dyip, Garvo Lanete ng Meralco, Larry Fonacier ng NLEX Matthew Wright ng Phoenix, Paul Lee ng Magnolia at Marcio Lassiter ng San Miguel.

Nabigo si Romeo na maging ikalawang PBA player na naghari sa three-point shootout sa tatlong sunod na taon nang maghari si Maliksi noong nakaraang taon sa Lucena.

Nagkampeon naman si Yap noong 2009.

Ang All-Star Skills Competitions ay gagawin sa Batangas City Coliseum sa Mayo 25 bago ang All-Star Game sa pagitan ng PBA Luzon Stars at Gilas Pilipinas.

Makakatapat naman ng PBA Mindanao Stars ang Team Phl sa Davao del Sur sa Mayo 23 at lalabanan ng Visayas Stars ang Nationals sa Mayo 27 sa Iloilo City.

Show comments