^

PSN Palaro

P3.2M bawiin sa PKF--PSC

FCagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa nangyaring ka­­ti­walian, nagdesisyon ang Executive Board ng Philippine Sports Commission na bawiin ang mahigit P3.2 million na naibigay sa Phi­lippine Karatedo Fe­deration para sana sa pagsasanay ng mga atleta sa Germany noong naka­raang taon.

Ang nasabing halaga ay para sa training kabilang na ang mga allowances ng 12 karatekas, ngunit sa halip na tumanggap ng mahigit $1,800 US dollars bawat isa, binigyan lamang sila ng kabuuang $470 US dollars sa buong pagsasanay mula Hulyo 20 hanggang Agosto 8.

“We will have a PSC board meeting next week and we will make it formal with a board decision to ask the association to return the money to the PSC that was not used on its intended purpose,” ayon kay commissioner Mon Fernandez, ang OIC ngayon ng PSC.

Bunga nito, sasampahan ng PSC ng kaso ang PKF na falsification of public document sa korte kaugnay din sa parallel na imbestigasyon na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) tungkol dito.

Simula nang mabulgar ang naturang katiwalian, sinuspindi ng PSC ang PKF at hindi na nakatanggap ng financial assistance mula noong Disyembre kaya diretso na sa mga atleta ang tulong ng ahensiya ng gobyerno.

EXECUTIVE BOARD NG PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with