Fighting Maroons target ang tiket sa Final Four
MANILA, Philippines - Tatargetin ng nagdedepensang University of the Philippines na makasama ang karibal na Ateneo sa Final Four sa kanilang pakikipagharap sa University of Sto. Tomas sa UAAP Season 79 men's football tournament ngayon sa Moro Lorenzo Field.
Hindi pa natatalo sa second round, nasa ikalawang puwesto ang Fighting Maroons asa kanilang 24 points sa ilalim ng 26 points ng Blue Eagles, unang nakasikwat ng semis slot.
Sa pagbabalik nina Daniel Gadia at Ian Clariño matapos maglaro para sa national under-22 team, papaboran ang UP labans a UST sa kanilang pang alas-2 ng hapon na laro.
Magtatagpo naman sa alas-4 ang National University at De La Salle University.
Kasalukuyang kaagawan ng Growling Tigers sa three-way race ang Bulldogs at Green Archers sa magkakatulad nilang 13 points.
Ang NU ay nasa two-match roll.
Ito ay matapos nilang talunin ang Adamson at University of the East para ilista ang 16 points.
Ngunit inaasahang mapapalaban nang husto ang Bulldogs sa kanilang pakikipagtuos sa Green Archers.
Kasalukuyang bitbit ng La Salle ang 1 points sa ilalim ng NU.
Dedepensahan ng Green Archers ang mga top goalscorers ng Bulldogs na sina Lawrence Colina at Patrick Valenzuela, the Bulldogs' top goalscorers.
- Latest