^

PSN Palaro

‘Never-say-die’

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Dumalo tayo sa isang party sa Greenhills noong isang gabi.

Sabi sa text ng PBA chief statistician na si Fidel Mangonon ay despedida party para kay dating PBA head coach Rino Salazar.

Nagbakasyon kasi si coach Rino at ang kanyang sweetheart na si Ma’m Rose mula sa American kung saan mahigit 20 taon na silang nakabase.

Mahaba ang pinagsamahan namin ni coach Rino sa PBA noong 1990s.

Hindi ko naman alam na isang malaking reunion pala ito ng old Ginebra players.

Bumungad sa aking pagpasok si coach Rino na agad naman akong itinuro sa isang special guest – si Robert “Big J” Jaworski, ang promotor ng ‘never-say-die’ spirit.

Patuloy ka pa rin mamamangha sa kanya.

Bilib ako sa pangangatawan ni Jawo, at biniro ko nga na parang puwede pa siyang maglaro.

“Para kundisyon ka, dapat alalay ka lang sa pag­lalaba at pagpaplantsa,” sabi ni Jawo.

Trademark joke kasi ito ni Jawo kahit noong araw pa.

Kung magpapaalam si­ya sa party, sasabihin lang na “Madami kasi akong labada sa bahay.”

Walang kupas si Ja­wo.

Nagsalita siya sa stage at pinuri ang dati ni­yang Ginebra, kasama na nga si coach Rino.

Nandun sila Noli Locsin, part-owner ng Chivz Bar, si Vince Hizon, EJ Feihl, Jayvee Gayoso, Bal David, Wilmer Ong, Benny Cheng, Mukesh Ad­vani, Dodot Jawors­ki, Pido Jarencio, Mike Or­quillas at Philip Cesar.

Naging hosts naman si Jimmy Santos ng Eat Bulaga at singer na si Richard Merk.

Masaya ang gabi. Inu­man, kantiyawan at ta­wanan.

Sa pag-uwi mo ay may giveaway pa -- isang bo­teng Ginebra.

FIDEL MANGONON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with