Dagsa ang mga lumahok sa 21st Alaska Football Cup
MANILA, Philippines – Muling sumabak ang mga batang mahilig sa football sa kanilang paglahok sa 21st Alaska Football Cup, ang pinakamalaki at pinakamatandang grassroots development football program, na idinaos sa Alabang Country Club kamakailan.
Kabuuang 5,000 players mula sa 320 teams sa buong bansa ang naglaban-laban sa nasabing two-day football event na inilaro sa 28 na mas maliit na football fields at pinamahalaan ng 168 football officials.
Hindi alintana ng mga partisipante ang pagbuhos ng malakas na ulan dahil sa bagyong ‘Marce’ na nagpadulas at nagpaputik sa football field matapos ipakita ang kanilang football skills sa annual event na suportado ng Alaska Milk.
Nagkampeon ang Miriam College Football Club at LBC Kaya Football Club para sa 14-and-under girls at 6-and-under children, ayon sa pagkakasunod.
Sumasandal ang Alaska Milk sa kanilang Nutrition, Action, Champion program para mapahusay ang mga bagitong atleta sa football.
Ang kanilang programa ang nagtanim sa isipan ng mga bata ng positive values kagaya ng disiplina, pagsisikap, determinasyon, pagtutulungan at paggalang sa isa’t isa.
- Latest