Goodbye, SMB!
Nagsukat na siguro ng bagong uniform si Terrence Romeo.
Simula kasbu, sa Terrafirma na ang dating kamador ng San Miguel Beer.
Nabigla ako sa trade na mabilis naman inaprubahan ng PBA. Si Juami Tiongson ang kapalit ni Terrence.
Sinama sa trade si Vic Manuel na minsan eh nagpahiwatig na ayaw na niya sa SMB dahil bitin siya sa playing time.
Kaya pinalit siya kay Andres Cahilig. Sa Terrafirma, baka wantusawa ang playing time niya.
Mas nagulat ako kay Terrence para bitawan ng SMB. Mukhang pati siya nagulat at nagsabing isa ‘yun sa saddest moment sa PBA career niya.
Naka-limang taon at tatlong championships si Terrence sa SMB matapos maglaro sa NorthPort at TNT.
Ewan ko kung totoo na baka mag-retire na lang daw si Terrence.
‘Wag naman sana dahil 32 years old pa lang siya. Mahaba pa ang boksing.
Pero makatikim pa kaya siya ulit ng PBA championship?
Siguro. Kung ma-trade.
- Latest