Fajardo bumabandera sa PBC race
MANILA, Philippines – Hindi natinag sa numero unong puwesto si reigning Most Valuable Player June Mar Fajardo ng San Miguel Beer sa Best Player of the Conference race sa ginaganap na Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup.
Matapos ang quarterfinals, walang nakaungos sa puwesto ni Fajardo na nagtataglay ng 45.6 Statistical Points (SPs) na kanyang nakolekta mula sa 23.1 points, 14.4 rebounds, 1.6 assists, 0.8 steal at 1.8 blocks sa 11 laro.
Segunda pa rin si Greg Slaughter ng Barangay Ginebra subalit bahagyang bumaba ang kanyang SPs sa 43.2 mula sa dating 45.3. Nagtala ito ng bagong average na 22.7 points, 14.38 rebounds, 2.7 assists, 0.2 steal at 1.4 block kada laro.
Umangat sa ikatlo si Stanley Pringle ng Globalport na umani ng bagong 38.1 SPs (21.1 points, 8.0 rebounds, 4.2 assists, 0.7 steal at 0.2 block) kasunod ang dating No. 3 na si Sean Anthony ng NLEX na nakakuha ng 36.6 SPs (20.1 points, 11.5 rebounds, 3.3 assists, 1.1 steal at 0.1 block).
Ikalima si Asi Taulava ng NLEX na naglista ng 35.5 at ikaanim si Willy Wilson ng Barako Bull na nagsumite naman ng 35.17.
Sumulong din si Terrence Romeo ng Globalport sa ikapito tangan ang 35.15 kasunod sina Vic Manuel ng Alaska (33.7), Arwind Santos ng SMB (32.55) at Jayson Castro ng Talk ’N Text (32.54).
Nangunguna pa rin sa mga rookies si Troy Rosario ng Tropang Texters (27.4) kabuntot sina Moala Tautuaa ng TNT (22.8), Maverick Ahanmisi ng Rain or Shine(21.8), Chris Newsome ng Meralco (19.6), Bradwyn Guinto ng Mahindra (19.6), Art Dela Cruz ng Blackwater (19.6), Don Trollano ng RoS (15.2), Scottie Thompson ng Ginebra (15.2), Simon Enciso ng NLEX (14.8) at Glenn Khobuntin ng NLEX (10.0).
- Latest