^

PSN Palaro

Dahil kay ‘Nona’ NCAA games kanselado

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinansela ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) Management Committee ang mga laro kahapon dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulang dala ng bagyong Nona.

Kabilang sa mga ipinagpaliban ang bakbakan sa volleyball, football, lawn tennis at soft tennis.

Kanselado rin ang semifinal games sa National Collegiate Cham­pionship sa The Arena sa San Juan City.

Maghaharap sana sa Final Four ang Colegio de San Juan de Letran at San Beda College at ng Far Eastern University at University of San Carlos.

Sa halip, lalaruin ito ngayong araw sa parehong venue.

Ilang mga lungsod sa Kamaynilaan ang binaha dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan.  Ayon sa PAGASA, ang Metro Manila ay nasa Signal No. 1.

vuukle comment

FAR EASTERN UNIVERSITY

FINAL FOUR

MANAGEMENT COMMITTEE

METRO MANILA

NATIONAL COLLEGIATE ATHLETIC ASSOCIATION

NATIONAL COLLEGIATE CHAM

SAN BEDA COLLEGE

SAN JUAN

SAN JUAN CITY

SIGNAL NO

UNIVERSITY OF SAN CARLOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with