^

PSN Palaro

2-peat sa Lady Bulldogs

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binalian ng National University ng pakpak ang Ateneo de Manila University, 75-5 upang matamis na angkinin ang kanilang ikalawang sunod na korona sa UAAP women’s basketball kahapon sa Blue Eagle Gym.

Naitala ng Lady Eagles ang 3-0 kalamangan sa pagsisimula ng laban subalit agad itong binura ng Lady Bulldogs nang itarak nito ang 19-6 run na siyang naging matibay na simula para durugin ang kanilang karibal.

Ito ang ikalawang sunod na taon na tinapos ng NU ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng matamis na pagwalis sa lahat ng kanilang asignatura.

Ang kanilang 32-game winning streak ang ikatlong longest run sa liga sa likod ng Adamson softball team na may 62-0 na kanilang nailista sa limang sunod na taon at ang NU men’s lawn tennis na may 33 sunod na panalo.

Nagtala si Season Most Valuable Player Afril Bernardino ng 18 puntos at 17 rebounds para pamunuan ang Lady Bulldogs.

Sapat ito upang tanghaling Finals MVP si Bernardino.

Nagdagdag si Andrea Tongco ng 17 puntos habang may 13 si Rinna Itesi at 11 naman si Shelley Gupilan para sa NU.

Nanguna para sa Lady Eagles.

vuukle comment

ADAMSON

ANDREA TONGCO

ANG

BLUE EAGLE GYM

LADY BULLDOGS

LADY EAGLES

MANILA UNIVERSITY

NATIONAL UNIVERSITY

RINNA ITESI

SEASON MOST VALUABLE PLAYER AFRIL BERNARDINO

SHELLEY GUPILAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with