^

PSN Palaro

Poliquit at Tabal magdedepensa ng Milo Marathon title ngayon

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

ANGELES, Pampanga, Philippines – Hangad ni Rafael Poliquit ang kanyang ikalawang sunod na korona, habang target ni Mary Joy Tabal ang kanyang pangatlong sunod na titulo.

Ito ang parehong layunin nina Poliquit at Tabal sa pag­hataw ng National Finals ng 39th Milo Marathon nga­yong umaga rito.

Sa 2014 National Finals ay nagtala ang 25-anyos na si Poliquit ng bilis na dalawang oras, 32 minuto at 26 segundo para pagharian ang men’s 42.195-kilometer race sa SM Mall of Asia Grounds sa Pasay City.

Tinalo niya si five-time Milo Marathon King EduardoBuenavista na nagposte ng oras na 02:34:17 kasunod si Erinio Raquin (02:35:48).

Pipilitin naman ni Tabal na makapagtala ng bagong record at asam na maipagtanggol ang kanyang suot na Milo Marathon Queen title sa ikatlong sunod na taon.

Noong nakaraang taon ay nagtala ang 25-anyos na si Tabal ng bilis na 02:51:52.

Ang tatanghaling Milo Marathon King at Queen ay ipapadala sa USA para sa tsang makalahok sa 2016 Boston Marathon.

ACIRC

ANG

BOSTON MARATHON

ERINIO RAQUIN

MALL OF ASIA GROUNDS

MARY JOY TABAL

MILO MARATHON

MILO MARATHON KING

MILO MARATHON QUEEN

NATIONAL FINALS

TABAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with