PBA board tinanggap na ang pagbibitiw ni Salud Tropang Texters na-low bat sa Energy

Laro Bukas

(Angeles City, Pampanga)

5 p.m. Ginebra

vs Blackwater

 

MANILA, Philippines – Nasa two-game losing skid ang Barako Bull, at hindi sila maaaring muling matalo kung gusto nilang makapasok sa quarterfinal round.

“We treated this game with the sense of urgency. We talked about this game even before the Rain or Shine game,” sabi ni coach Koy Banal.

Nagposte si William Wilson ng career-high na 28 points at 20 rebounds para akayin ang Energy sa 105-98 overtime win kontra sa Talk ‘N Text Tropang Texters at palakasin ang kanilang tsansa sa quarterfinals ng 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagdagdag si RR Garcia ng 22 markers para sa 4-4 baraha ng Barako Bull katabla ang Barangay Ginebra at NLEX sa ilalim ng nagdedepensang San Miguel (7-1), Alaska (6-1), Rain or Shine (6-1), Globalport (5-3) at Talk ‘N Text (4-3).

Ang dalawang free throws ni rookie Troy Rosario ang nagtabla sa Tropang Texters sa 97-97 sa huling 15.5 segundo ng fourth quarter kasunod ang mintis na drive ni Wilson para sa Energy na nagdala sa laro sa extra period.

Ang free throw ni Jayson Castro ang tanging naiskor ng Talk ‘N Text sa overtime na isinalpak niya sa huling 2:43 minuto.

Matapos ang basket at foul shot ni Wilson sa huling 1:11 minuto ay kumonekta ng free throw si JC Intal sa natitirang 32 segundo.

Ang ikalawa niyang foul shot na iniluwa ng ring ay aksidenteng natapik paloob ni Tropang Texters rookie Moala Tautuaa para sa puntos ni Wilson.

Samantala, pormal nang tinanggap kahapon ng PBA board of governors ang pagbibitiw ni Chito Salud bilang PBA president/CEO sa isang special meeting.

Si PBA chairman Robert Non ang pansamantalang sasalo sa naiwang posisyon ni Salud.

Barako Bull 105 - Wilson 28, Garcia 22, Intal 12, Fortuna 10, Baracael 9, Brondial 7, Lanete 6, Miranda 6, Urbiztondo 3, Monfort 2, Pennisi 0, Caperal 0.

Talk ‘N Text 98 - Tautuaa 20, Castro 19, Rosario 19, Carey 8, Williams 8, Miranda 7, Rosser 6, Reyes R. 6, Fonacier 5, Reyes J. 0, Seigle 0.

Quarterscores: 19-27; 44-43; 78-75; 97-97; 105-98 (OT).

Show comments