^

PSN Palaro

Philips Gold vs Foton; Petron kontra Cignal 2 finals slot nakataya

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (The Arena, San Juan)

4 p.m. Philips Gold vs Foton

6 p.m.  Petron vs Cignal

MANILA, Philippines – Dalawang finals berth lamang ang pag-aagawan ng apat na koponan.

At inaasahang magi­ging maigting ang bakbakan sa ‘do-or-die’ semifinal round ng 2015 Phi­lippine Superliga (PSL) Grand Prix women’s volleyball tournament.

Matapos malampasan ang double-round eliminations, lalabanan ng paboritong Philips Gold ang Foton ngayon alas-4 ng hapon kasunod ang bakbakan ng nagdedepensang Petron at Cignal sa alas-6 ng gabi sa The Arena sa San Juan.

Nagposte ang Lady Slammers ng 8-2 record para angkinin ang No. 1 seeding sa torneong inihahatid ng Asics katuwang ang Mio, Senoh, Mueller at Mikasa bilang technical partners at ang TV5 bilang official broadcaster.

Sina American imports Bojana Todorovic at Alexis Olgard katuwang si star spiker Myla Pablo ang mu­ling aasahan ng Philips Gold laban sa Foton.

Ang isa sa dalawang kabiguan ng Lady Slammers ay nanggaling sa Tornadoes na umiskor ng 25-14, 25-22, 18-25, 25-18 panalo sa second round noong Nov. 5.

“There’s no clear favo­rite,” wika ni Philips Gold coach Francis Vicente. “We can’t say that we’re the underdogs because we topped the eliminations. At the same time, we can’t say that they are the underdogs because they beat us in the second round. I think this is going to be a very exciting encounter.”

Ang tatlong six-footers na sina imports Katie Mes­sing, Lindsay Stalzer at Jaja Santiago ang babandera para sa Foton.

Bukod kina Olgard at Pablo, aasahan din ng Lady Slammers sina Michelle Gumabao, Mel Go­hing at Desiree Dadang.

Sa ikalawang laro, hangad naman ng Blaze Spikers, nagreyna sa Grand Prix at kumatawan sa bansa sa AVC Asian Women’s Club Championship noong Setyembre, na talunin ang HD Spikers.

Ang Cignal, pamumunuan nina reinforcements Ariel Usher at Amanda Anderson, ang binigo ng Petron, 18-25, 17-25, 25-16, 25-18, 16-14, noong Oct. 10.

“Cignal knows what it takes to win big games,” wika ni Blaze Spikers’ mentor coach George Pascua na sasandal kina Bra­zilians Rupia Inck at Erica Adachi bukod pa kina local hitters Dindin Manabat, Aby Maraño, Rachel Anne Daquis, Maica Morada at Ces Molina.

ABY MARA

ACIRC

ANG

BLAZE SPIKERS

CIGNAL

FOTON

GRAND PRIX

LADY SLAMMERS

PETRON

PHILIPS GOLD

SAN JUAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with