Cignal kinuha ang ikalawang semis berth
Laro sa Martes (Cuneta Astrodome, Pasay City
4 p.m. – Foton vs Meralco
6 p.m. -- RC Cola-Air Force vs Philips Gold
MANILA, Philippines – Tuluyan nang inangkin ng Cignal ang ikalawang tiket sa semifinal round, habang isang panalo pa ang kailangan ng Philips Gold.
Tinalo ng HD Spikers ang RC Cola-Air Force Raiders, 25-19, 20-25, 25-10, 25-19, sa 2015 Philippine Superliga (PSL) women’s volleyball tournament kahapon sa Malolos Sports and Convention Center.
Sina American imports Ariel Usher at Amanda Anderson ang bumandera para masikwat ng Cignal ang 6-2 record at makasama ang Petron sa semifinals.
Nagtala si Usher ng University of Portland ng 22 points sa likod ng kanyangd 20 kills, habang may 15 markers si Anderson mula sa kanyang 10 para sa HD Spikers.
“Making it to the semifinals has been our goal,” sabi ni Cignal coach Sammy Acaylar.
Para naman makapasok sa semis ay kailangan ng Raiders na maipanalo ang kanilang huling tatlong laro.
Sa unang laro, sinibak ng Lady Slammers ang Meralco Power Spikers, 25-12, 26-24, 25-19, para makalapit sa semis seat.
Kumonekta si American reinforcement Alexis Olgard ng 16 points mula sa kanyang 10 kills at 5 blocks, habang nagdagdag si Myla Pablo ng 13 markers para sa 5-2 record ng Philips Gold ilalim ng Petron (6-2) at Cignal (6-2) kasunod ang Foton (4-3), RC Cola-Air Force (1-6) at Meralco (0-7).
Nagdagdag si import Bojana Todorovic ng 9 points.
- Latest