Yaya Dub ‘di nakuha ng Ginebra
Laro Bukas
(Smart Araneta Coliseum)
3 p.m. opening ceremonies
5:15 p.m. Rain or Shine vs Star
MANILA, Philippines – Dahil sa pagtanggi ng kampo ni ‘Dubsmash Queen’ Yaya Dub (Maine Mendoza) ay ang aktres na si Arci Muñoz ang kinuha ng Barangay Ginebra bilang muse sa makulay na opening ceremonies ng 41st season ng Philippine Basketball Association bukas sa Smart Araneta Coliseum.
Matatandaang hiniling ng mga fans ng Gin Kings na kunin ng Ginebra si Yaya Dub dahil sa pagiging Youtube sensation nito bukod pa sa araw-araw na napapanood sa ‘Kalyeserye’ ng Eat Bulaga.
Samantala, dalawang volleyball stars naman ang sasalang sa parada.
Ito ay sina Ateneo Lady Eagles’ ace Alyssa Valdez ng Talk ‘N Text at Fil-American Alexa Micek, naglalaro sa PSL Super Liga para sa Petron Blaze Spikers, ng San Miguel.
Ang iba pang tatayong muse ay sina Kris Aquino (Star), ang asawa ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao na si Jinkee (Mahindra), Max Collins (Blackwater), Karylle (Globalport), Eula Caballero (Meralco). Jessica Helterbrand (Barako Bull), MJ Lastimosa (NLEX), Julee Anne Bourgoin (Rain or Shine) at ang magkakapatid na sina Tara, Samantha at Franchezka Borlain sa Alaska.
- Latest