^

PSN Palaro

Lady Blaze Spikers nakabangon sa Power Spikers

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Laro ng isang champion team ang naipakita ng Petron Lady Blaze Spikers para angkinin ang 25-15, 25-14, 25-19 straight sets panalo sa Meralco Power Spikers sa 2015 Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix women’s volleyball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Bumangon si Rupia Inck mula sa siyam na puntos sa unang laro sa kinamadang walong puntos, limang aces at dalawang blocks para pangunahan ang koponan.

May pitong puntos, kasama ang tatlong aces si Erica Adachi pero ang kanyang 19 excellent sets sa laro ang nagdala sa magandang opensa ng koponan.

Pinuntahan din niya sina Dindin Manabat, Rachel Anne Daquis at Frances Molina para magkaroon ng balanseng pag-atake ang Petron tungo sa 1-1 karta sa ligang i­norganisa ng SportsCore at handog ng Asics at Milo bukod sa suporta ng TV5.

Si Manabat ay naghatid pa ng 12 puntos habang naghati sa 14 puntos sina Daquis at Molina.

“Malaking hamon sa amin na manalo matapos ang nangyari sa Cignal sa first game. Masaya naman ako at rumespondo ang mga players,” wika ni Petron coach George Pascua na nakabangon mula sa 25-18, 25-17, 16-25, 18-25, 14-16 pagkatalo sa Cignal noong Sabado.

Natalo ang Meralco sa ikalawang pagkakataon at si Cha Cruz ay mayroong 12 puntos ngunit ang import na si Liis Kullerman ay gumawa lamangng limang puntos. Ininda rin ng koponan ang pagtatala ng 11 errors.

ANG

CHA CRUZ

CIGNAL

DINDIN MANABAT

ERICA ADACHI

FRANCES MOLINA

GEORGE PASCUA

GRAND PRIX

LIIS KULLERMAN

MERALCO POWER SPIKERS

PETRON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with