^

PSN Palaro

FEU Tamaraws rumesbak

Pilipino Star Ngayon

Laro sa Sabado (Mall of Asia Arena)

2 p.m. UP vs Adamson

4 p.m. NU vs UE

MANILA, Philippines – Patuloy na nagsosyo sa liderato ang Far Eastern University at ang University of Sto. Tomas.

Ito ay matapos takasan ng Tamaraws ang nagde­depensang National Uni­ver­sity Bulldogs, 61-59, at talunin ng Tigers ang Uni­versity of the East Red Warriors, 83-76, sa 78th UAAP men’s basketball tour­nament kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Kapwa inilista ng FEU at UST ang 6-1 record sa itaas ng La Salle (4-3), Ateneo (4-3), NU (3-4), University of the Philippines (2-5), UE (2-6) at Adamson (1-6).

Matapos kunin ng Ta­maraws ang 50-40 abante sa pagsisimula ng fourth quarter ay umatake naman ang Bulldogs para itab­la ang laro sa 52-52 sa 2:50 minuto nito.

Ang dalawang tres ni Mike Tolomia ang muling nag­layo sa FEU sa 58-52 sa huling 1:49 minuto.

Tumapos si Tolomia na may 19 points para sa Tamaraws, tinalo ng Bull­dogs sa nakaraang UAAP championship series.

Sa unang laro, kuma­ma­da si Ed Daquioag ng 14 sa kanyang career-high na 34 points sa final canto para sa panalo ng Tigers kon­tra sa bumubulusok na Red Warriors.

Mula sa 11-point deficit sa first half ay nakadikit ang UE sa 71-73 sa hu­ling 1:37 minuto sa fourth quarter.

Ang free throw at sa­lak­­sak ni Daquioag sa su­­munod na dalawang po­­sesyon ng Tigers ang mu­l­ing naglayo sa kanila sa 76-71 sa natitirang 43.4 segundo.

Umiskor si Paul Va­rilla ng 25 markers sa panig ng Red Warriors, na­hulog sa kanilang ikaapat na sunod na kamalasan.

UST 83 – Daquioag 34, Ferrer 14, Vigil 14, Abdul 9, Sheriff 5, Lee 5, Lao 2, Abdurasad 0, Bonleon 0, Faundo 0, Caunan 0, Garrido 0, Subido 0.

UE 76 – Varilla 25, Javier 12, De Leon 8, Palma 8, Batiller 5, Charcos 5, Sta. Ana 4, Abanto 3, Derige 2, Gagate 2, Ma­nalang 2, Gonzalez 0, Pe­nuela 0, Yu 0.

Quarterscores: 26-12; 44-33; 60-56; 83-76.

FEU 61 – Tolomia 19, Belo 9, Pogoy 7, Ru. Es­co­to 5, Arong 4, Jose 4, Orizu 4, Tamsi 4, Trinidad 3, Ri. Escoto 2, Comboy 0, Ebona 0, K. Holmqvist 0, S. Holmqvist 0, Iñigo 0.

NU 59 – Aroga 17, Alo­lino 10, Neypes 10, Ale­jandro 7, Javelona 4, Morido 4, Abatayo 3, Sa­­lim 2, Tansingco 2, Di­putado 0, Javillonar 0.

Quarterscores: 13-11; 29-34; 45-40; 61-59. (RC)

ACIRC

ADAMSON

ANG

DAQUIOAG

DE LEON

EAST RED WARRIORS

ED DAQUIOAG

FAR EASTERN UNIVERSITY

RED WARRIORS

SHY

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with