Pro football league ikakasa sa 2017
MANILA, Philippines – Magkakaroon ng hinaharap ang mga men’s football players dahil sa napipintong pagtatayo ng professional league sa bansa sa 2017.
Ayon kay Philippine Football Federation (PFF) secretary-general Ed Gastanes, kasalukuyan ng isinasagawa ang market research ng nirerespetong Nielsen, Philippines at kasama sa survey ang kung sinu-sino ang mga puwedeng isama at saang lugar puwedeng isagawa ang unang edisyon.
Ang model ng Australia ang siyang sinusunod ng PFF dahil tulad ng nasabing bansa, hindi number one sport ang football pero buhay na buhay ang kanilang pro league kaya maganda ang kanilang football program.
Sa plano ay 12 teams ang bubuo sa unang taon at hindi mga corporate names ang dadalhin ng mga koponan kungdi ang kani-kanilang Local Government Units para mas mapamahal sa kanilang nasasakupan.
Ang PFF ang siyang major stock holder sa itatatag na holding firm habang ang mga kasa-ling koponan ang kukuha sa ibang shares upang maging transparent ang pamamalakad sa liga.
Hindi rin magiging problema ang bubuuing pro league sa United Football League (UFL) dahil amateur league ito at maaaring gamitin para hasain ang mga batang manlalaro bago umakyat sa pros. (AT)
- Latest