Gilas pinarusahan ang Hong Kong
MANILA, Philippines – Ibinuhos ng Gilas Pilipinas ang kanilang galit sa walang kalaban-laban na Hong Kong, 101-50, upang makuha ang unang panalo ngayong Huwebes sa 2015 FIBA Asia Men's Championship in Hunan, China.
Nakabangon mula sa mapait na pagkatalo ang Pilipinas matapos pahiyain ng Palestine kahapon, 73-75.
Simula tip-off ay bumulusok ang Gilas ng 12-0 run at mula noong ay hindi na dumikit pa ang laban para mapaganda ang kanilang kartada sa 1-1 win-loss record sa group B.
Tinrangkuhan ni Jayson Castro ang limang Gilas players na may double figures sa kaniyang 21 markers, limang boards at dalawang assists, habang umayuda naman si Andray Blatche ng 17 points.
Katabla sa standings ng Pilipinas ang Hong Kong na nakuha ang unang panalo kontra Kuwait, 87-50.
Tatapusin ng Gilas ang first round kalaban ang Kuwait bukas ganap na 4:45 ng hapon.
- Latest