MANILA, Philippines – Dalawang mahahalagang national inter-school taekwondo championships ang gagawin sa Setyembre 19 at 20 sa Ninoy Aquino Stadium.
Nasa 1000 jins ang inaasahang sasali sa patimpalak sa free sparring na suportado ng SMART/MVP Sports Foundation, at poomsae (forms) na may ayuda ng PLDT Home Ultera ayon sa Organizing Committee chairman na si Sung Chon Hong.
Ang mga paaralang nagpatala na ay ang La Salle-Taft, Zobel, Lipa at Dasmariñas, College of St. Benilde, UP, San Beda-Alabang, Mendiola at Taytay, Letran, Don Bosco School sa Makati at Mandaluyong, Dilimian Preparatory School, UST, UE, Arellano, University of Baguio, University of Batangas at School of St. Anthony.
Ang mga paglalabanan ay Novice at Advance at ito ay magkakaroon ng walong dibisyon na senior, junior, cadet at grade school sa kalalakihan at kababaihan.
Ang poomsae ay bukas lamang sa mga blackbelt students at ang paglalabanan ay individual, pair at team.
Sumusuporta sa dalawang araw na kompetisyon ay ang PLDT, Meralco, PSC at Milo at ito ay magsisimula sa ganap na ala-9 ng umaga.