Chess tatalakayin sa PSA Forum

MANILA, Philippines – Ang kaganapan sa chess ang tatalakayin ngayon sa pagbisita ng Shell National Youth Active Chess Championship sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate.

Ang torneo ay tatalaka­yin nina director Alexander Dinoy at Melanin Bularan, ang social investment and social performance ma­nager ng Shell sa pang alas-10:30 ng umagang sesyon.

Dadalo rin ang ilang finalists ng nasabing annual meet sa public sports program na isinasaere nang LIVE sa DZSR Sports Radio 918 at inihahandog ng San Miguel Corp., Accel, Shakey’s at ng Philippine Amusement and Gaming Corp.

Ang Shell National Active Youth Chess Championship ay nakatakda sa Sept. 19-20 sa Megamall.

Show comments