Singapore open invitational midget meet PSL tankers sisimulan na ang pagsisid sa ginto

MANILA, Philippines - Bibigyan nina Micaela Jasmine Mojdeh at Rafael Lentejas III ng magandang panimula ang kampanya ng Philippine Swimming League (PSL) sa pagsa­lang sa aksyon sa 21st Singapore Open Invitational Midget Meet nga­yong araw sa Singapore Swimming Club.

Mapapasabak sa la­ngu­yan si Mojdeh sa girls’ 9 years 25-meter butterfly habang si Lentejas ay sasalang sa boys’ 7 years 25m butterfly.

Mapapalaban din sina Singapore Invitational Swimming Championship Most Outstanding Swimmer (MOS) awardee Marc Bryan Dula at Aubrey Tom.

Puntirya ni Dula, mag-aaral ng Wissenheimer Academy ang ginto sa  boys’ 8 years 25m butterfly at 25m backstroke habang si Tom ng Marikina Aquatics Bears na nanalo ng pitong ginto sa 2015 Phuket Invitational Swimming Meet ay lalangoy sa girls’ 8 years 25m butterfly at 25m freestyle.

“We’re hoping for a good start. They are all excited to compete against their foreign counterparts despite the fact that there are good swimming from other countries that are competing this year,” wika ni PSL president Susan Papa.

Para mabigyan ang mas maraming swimmers na manalo ng ginto ay dalawang events lamang ang puwede nilang salihan.

Ang iba pang kasama sa delegasyon ay sina Prince Angeles, Justin Badion, Gian Banas, Julia Basa, John Michael Bautista, Ethan Gabriel, Asha Segotier, Julyianna Calibjo, Khrystian Tan, Michael Samaniego, Mykel Cuasay, Rodolf Rasay, Chloe Laurente, Rex Dela Cruz Jr., Alexa Larrazabal, Amdre Dela Cruz, Mikyla Guzman, Tiffany Sanchez, Morie Pabalan, Louise Famanilla, Venice Villarasa, Victor Cab­rera, Chelsea Pastolero, Nicole Camacho, Janine Consul, Allen Conda at Joshua Camacho.

Show comments