^

PSN Palaro

Suarez muling magtatangka na sumikwat ng tiket sa Rio

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos sina light flyweight Rogen Ladon at welterweight Eumir Felix Marcial, si lightweight Charly Suarez ang magpipilit namang makalapit sa isang tiket para sa 2016 Olympic Games.

Nakatakdang sumabak si Suarez sa darating na AIBA Pro Boxing tournament sa Uzbekistan sa Setyembre 17 na magta­tampok sa top 80 amateur fighters sa 10 weight classes.

Nabigo ang 27-anyos na si Suarez na makapasok sa medal round ng nakaraang ASBC Asian Boxing Championships sa Bangkok, Thailand.

“Kailangang mag-gold or silver ka para sigurado,” sabi ni Boxing Alliances in the Philippines executive director Ed Picson kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate.

Sa pagtatapos ng APB cycle, ang top two bo­xers sa bawat weight class ay awtomatikong makakakuha ng silya sa 2016 Olympics sa Rio De Janeiro, Brazil na nakatakda sa Agosto 5-21.

Sinabi ni Picson na dapat umakyat si Suarez sa  No. 2 sa kanyang weight division para makatiyak ng puwesto sa Rio Olympics.

“He must win his next fight. And if he overtakes the No. 2 boxer in his weight class, he qualifies to the Olympics,” wika ni Picson kay Suarez na No. 3 sa kanyang dibisyon at may 3-3 record sa APB.

Ang kasalukuyang No. 1 sa lightweight class ay si Hurshiv Tojibaev ng Uzbe­kistan kasunod si Dimitry Polyanskiy ng Russia.

Kung mabibigo si Sua­rez sa APB ay may tsansa pa rin siya sa World Series of Boxing.

ACIRC

ASIAN BOXING CHAMPIONSHIPS

BOXING ALLIANCES

CHARLY SUAREZ

DIMITRY POLYANSKIY

ED PICSON

EUMIR FELIX MARCIAL

HURSHIV TOJIBAEV

OLYMPIC GAMES

PHILIPPINE SPORTSWRITERS ASSOCIATION

SUAREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with