Clippers pinagmulta ng NBA

LOS ANGELES – Inalok ng Los Angeles Clippers si DeAndre Jordan ng hindi dapat isinamang potential third-party endorsement opportunity habang sinusuyo ang sentro noong nakaraang buwan.

Dahil dito ay pinatawan ng NBA ang Clippers ng multang $250,000.

Sinabi ng NBA na inalok ng Clippers ang dating free agent na si Jordan noong July 2 kasama ang isang ipi­nagbabawal na potential third-party endorsement opportunity. Walang komento ang Clippers ukol sa ipinataw na multa sa kanila ng liga.

Sa ilalim ng NBA rules, ipinagbabawal ang pag-aayos ng kasunduan para sa iba upang makapagbigay ng kompensasyon sa isang player kung hindi kasama sa isang kontrata o pinapayagan sa collective bargaining agreement.

Show comments