Roach masaya sa paggaling ng kanang balikat ni Pacquiao
MANILA, Philippines – Nakausap na ni chief trainer Freddie Roach si Manny Pacquiao at ipinaalam ng Filipino world eight-division champion ang kondisyon ng kanyang kanang balikat.
Ipinagyabang ni Pacquiao kay Roach ang kanyang paglangoy at paglalaro ng basketball.
“He tells me it feels better, he went swimming the other day, he’s playing a little basketball so he says it’s coming along fine,” wika ni Roach. “But it won’t be a while until he’s in the ring again, three to six months.”
Nauna nang nadismaya si Bob Arum ng Top Rank Promotions dahil sa hindi pagsipot ni Pacquiao sa kanyang follow-up check up kay surgeon Neal ElAttrache sa Kerlan-Jobe Orthopaedic Clinic sa Los Angeles noong Hulyo 4.
Inoperahan si Pacquiao sa kanang balikat noong Mayo 7 matapos ang kanyang unanimous decision loss kay Floyd Mayweather, Jr. sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Wala pang opisyal na pahayag si Bob Arum ng Top Rank Promotions kaugnay sa susunod na lalabanan ni Pacquiao sa 2016.
Ilan sa mga pangalang lumilitaw ay sina British star Amir Khan at Mexican-American Danny Garcia.
Gusto ni Roach na labanan ni ‘Pacman’ si Garcia, ang WBA at WBC light welterweight king. (RC)
- Latest