^

PSN Palaro

Cray dumating na sa Manila, makikipag-usap sa PATAFA para sa 2016 Rio Olympics

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa bansa ngayon si Fil-Am trackster Eric Shauwn Cray para makipagpulong sa mga sports officials  hinggil sa magiging plano sa paglahok sa 2016 Rio Olympics.

Si Cray ang kauna-unahang manlalaro ng bansa ang nakapasok na sa Olympics sa larangan ng 400m hurdles.

Dumating  kasama ang kanyang coach na si Damien Clark, ang double-gold medalist sa Singapore SEA Games ay haharap kay PSC commissioner Salvador Andrada ngayong hapon para ipaalam ang kanyang plano sa pagsasanay.

Si Andrada ang kakatawan sa PSC dahil nasa ibang bansa si chairman Ricardo Garcia.

Makikipagharap din si Cray sa mga potensyal na sponsors na nakuha ni PATAFA president Philip Ella Juico.

Kailangan ni Cray ng suporta lalo pa’t huminto na siya sa pagtatrabaho para ibuhos ang panahon sa pagsasanay sa hangaring manalo ng medalya sa Rio.

Isang linggo siyang mamamalagi sa bansa at magsasanay din  siya sa Philsports sa Pasig City lalo pa’t sasali rin siya sa 15th IAAF World Champiionships sa Beijing, China mula Agosto 22 hanggang 30.

Habang tiyak na ang suporta kay Cray ay kumikilos din ang PATAFA para matulungan ang ibang atleta na nais masama sa Olympics.

Ang mga ito ay sina Mary Joy Tabal sa marathon; Edgardo Alejan sa 800m run; EJ Obiena sa pole vault at Marestella Torres sa long jump.

ANG

DAMIEN CLARK

EDGARDO ALEJAN

ERIC SHAUWN CRAY

MARESTELLA TORRES

MARY JOY TABAL

PASIG CITY

PHILIP ELLA JUICO

RICARDO GARCIA

RIO OLYMPICS

SALVADOR ANDRADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with