Bryant magreretiro matapos ang season

LOS ANGELES - Ipinahiwatig ni Los Angeles La­kers star Kobe Bryant na ang darating na season ang maaaring maging huli na niyang taon sa NBA.

Ang mga nakaraang sea­sons ni Bryant ay hindi nakumpleto dahil sa mga in­juries.

Para sa darating na sea­son ay sinabi ni Bryant na maganda ang kanyang kondisyon at handang tu­lungan ang Lakers na ma­kapasok sa playoffs.

“We haven’t set anything in stone. And I’ve talked about it before,” sabi ni Bryant.

“It’s tough to decide. It’s really tough to make those types of decisions. Players I have spoken to say, ‘Kobe, you will know.’”

Tiniyak ni Bryant na han­da ang kanyang kata­wan na sumuong sa ma­bibigat na training at sa mis­mong aktuwal na kampanya ng Lakers.

“There are no question marks on what I can do (physically),” wika ng 17-time All-Star. “My body and my legs feel extremely strong and healthy.

Sinabi ni Bryant na ihahayag niya ang kanyang ma­giging desisyon matapos ang season.

Show comments