^

PSN Palaro

Blatche kumpiyansa sa tsansa ng Gilas Pilipinas

Joey Villar, Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – May tsansa ang Gilas Pilipinas na makapaglaro sa Olynmpic Games sa Rio De Janeiro, Brazil sa su­sunod na taon.

Ito ang paniniwala ni 6-foot-11 naturalized player Andray Blatche na gagaba­yan ang Gilas PIlipinas sa pag­sabak sa 2015 FIBA Asia Championship sa Set­yembre 23 hanggang Ok­tubre 3 sa Changsa, Chi­na.

Ang magkakampeon sa naturang qualifying tournament ang kakatawan sa Asya sa 2016 Rio Olympics.

Ibinase ni Blatche ang kan­yang pahayag sa naobserbahan niya sa paglalaro para sa sa Xinjiang Flying Tigers  sa Chinese Basketball Association.

“I know a lot of players there. As long as we put the work in, (we’ll be okay against them),” wika ni Blatche.

Ang Chinese ang isa sa mga top favorites sa 2015 FIBA Asia Championship.

“They’re strong and so are we,” pagkukumpara ni Blatche sa China at sa Gilas PIlipinas.

Inaasahang magdodo­mina ang nine-year NBA veteran sa FIBA Asia Cham­pionship matapos ang una niyang season sa CBA.

Sa Chinese league ay nag­poste si Blatche ng mga averages na 31.1 points, 14.6 rebounds, 5.1 assists at 2.8 steals per game.

Tila mataba si Blatche nang sumama sa ensayo ng Nationals sa Meralco Gym noong Lunes ng gabi.

Ngunit hindi ito mala­king isyu.

“He’s been a whole lot off coming from a long off-season (in the CBA) and that’s natural to happen es­pecially as he’s been ca­ring for his mother and hasn’t have time to get the ne­cessary work done,” wi­ka ni Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin sa kondisyon ni Blatche.

“But we have time. By Sep­tember, he’ll be in pretty good shape,” dagdag pa nito.

Sa kabila ng pagiging overweight ay ipinakita pa rin ng dating player ng Brooklyn Nets ang kanyang pamatay na kilos.

Si Blatche ang isa sa mga best performers no­ong 2014 FIBA World Cup.

Kumamada siya ng mga averages na 21.2 points at 13.8 rebounds a game para sa kampanya ng Gilas PIlipinas.

Nagtala siya ng 18 mar­kers at 14 boards sa 81-79 overtime win ng Nationals laban sa Senegal.

Ito ang unang panalo ng Pilipinas sa FIBA World Cup matapos ang 40 taon.

ACIRC

ANDRAY BLATCHE

ANG

ANG CHINESE

ASIA CHAM

ASIA CHAMPIONSHIP

BLATCHE

BROOKLYN NETS

GILAS PILIPINAS

SHY

WORLD CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with